MPD, dinoble ang seguridad kasunod ng paghahagis ng granada sa Bureau of Customs

Dinoble na ng Manila Police District ang kanilang seguridad matapos ang sunod-sunod na insidente ng paghahagis ng granada sa ilang establisyimento sa lungsod ng Maynila.

Kasunod ito ng paghahagis ng granada sa Enforcement and Security Service office ng Bureau of Customs (BOC) kaninang alas-7:30 ng umaga.

Nasa 20-30 metro ang layo ng hinagis na granada mula sa opisina ng BOC commissioner kung saan papilitan ang Philippine National Police-Explosives and Ordnance Division (PNP-EOD) na pasabugin ito.


Nauna nang naaresto noong nakaraang linggo ang isang lalaking kumukuha ng video sa paligid ng ahensya.

Nakumpiska mula sa suspek ang kalibre 45 na baril, granada at dokumentong may pangalan ng mga BOC personnel.

Tiniyak naman ni MPD Chief Brig. Gen. Leo Francisco na inimbestigahan na nila ang nasa likod ng paghahagis ng mga granada.

Facebook Comments