Personal na nag-ikot sa Manila North Cemetery si Manila Police District Director Police Brig. General Bernabe Balba.
Kasama ni Balba si Police Lautenent Colonel Reynaldo Magdaluyo, commander ng MPD Station 3 na siyang nakakasakop sa sementeryo.
Ito ay upang masiguro ang seguridad na ginagawa ng kanilang mga tauhan sa loob at labas ng naturang sementeryo.
Sa ngayon, umaabot na sa 19,960 ang bilang ng nag-tutungo sa North Cemetery simula ito kaninag alas-12:00 ng madaling araw.
Umabot naman sa 42,402 ang nag-punta kahapon kung saan inaasahan na aabot sa halos o mahigt isang milyung tao ang dadagsa ngayong araw ng undas sa Manila North Cemetery.
Mahaba na din ang pila papasok kaya at paalala ng pulisya at ng lokal na pamahaalan ng Maynila na agahan ang pag-punta at huwag na dina magbitbit ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng matutulis na bagay, lighter, alak, MP3, bluetooth speaker, flammable materials at mga alagang hayop.