Manila, Philippines – Nagdududa ang Manila Police District sa pahayag ni John Paul Solano na natagpuan nito ang bangkay ng hazing victim na si Horacio Castillo III sa Balut Tondo.
Ayon kay Solano, nakita niya ang katawan ng biktima sa kanto ng Honorio Lopez Blvd. kanto ng Infanta Street Balut,Tondo,Manila kaya agad nitong itinakbo sa Chinese Gen. Hospital.
Nakapagtataka dahil base sa mga tinanong ng MPD doon at mga may ari ng tindahan, wala naman nakitang bangkay sa naturang lugar noong linggo ng umaga.
Nireview din ng pamunuan ng Brgy 133 zone 11 ang kuha ng CCTV mula 7:50 ng umaga ang oras na sinasabing natagpuan si Castillo pero walang nakitang bangkay o komosyon.
Ayon naman kay Brgy. Kagawad Daniel Sayson Mayroon kuha sa CCTV pero insidente ito ng pamamaril ng isang pahinante ng truck sa naturang lugar bandang 5:45 ng umaga hanggang inalis ang bangkay pasado 7am.
Ipinagtataka naman ng mga taga-Brgy 133 kung bakit sa Chinese Gen.Hospital dinala gayung malapit lamang ang Tondo General Hospital sa lugar.
Si Solano ay sinasabing miyembro di umano ng Aegis Juris Fraternity na nagdala kay Castillo sa pagamutan.