Dumepensa ang Manila Police District (MPD) sa pag-aresto sa 2 estudyanteng nag-rally sa harap ng US Embassy sa Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman PMaj. Philipp Ines, bawal ang kilos protesta sa harap ng US Embassy at pinapagayan lamang ang mga kilos protesta sa mga itinakdang freedom park.
Ang mga inarestong estudyante ay mula sa UP at ang isa ay mula sa Far Eastern University o FEU.
Isinalang na ang dalawa sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors Office.
Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa B.P. 880 o Public Assembly Act of 1985, Vandalism at paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o resisting arrest.
Facebook Comments