MPD, handa na sa pagdating ni Ralph Trangia sa bansa

Manila, Philippines – Nakahanda na ang pamunuan ng Manila Police District sa pagdating sa bansa mamaya ni Law student Ralph Trangia ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo agad silang makipag ugnayan sa DOJ upang pag-aralan ang mga legal na hakbang para makasuhan si Trangia matapos makaladkad ang kanyang pangalan sa pagkamatay sa hazing victim na si Atio.

Si Trangia ay inaasahang lalapag sa NAIA mula Taipe via Eva Air flight B3 271 mamayang alas 11:20 ngayong umaga.


Unang ipinahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ang ina ni Trangia ay kasama ng kalihim kung saan nag-alok ng seguridad kung nanaisin ng kampo ni Trangia.

Matatandaan na si Trangia ay kabilang sa 17 indibiwal na nahaharap sa rekla.ong murder at paglabag sa Anti Hazing Law sa DOJ matapos na mapaslang si Castillo.

Sinasabing si Trangia ay siyang nagmamaneho ng kulay pulang Van patungo sa Chinese General Hospital noong linggo ng umaga September 17 kung saan ideneklarang DOA si Atio.

Facebook Comments