MPD, handa na sa seguridad sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa

Higit 1,000 pulis ang ide-deploy ng Manila Police District (MPD) para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day sa May 1, 2023.

Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, inaasahan nila na magkakaroon ng kilos-protesta ang ilang grupo kung kaya’t nasa 1,100 personnel ang kaniyang ipapakalat.

Partikular na babantayan at imo-monitor ng mga pulis ang mga sumusunod na lugar tulad ng Mendiola, Malacañang, US Embassy, Welcome Rotonda, Supreme Court, Department of Labor and Employment (DOLE) at mga freedom parks.


Maglalatag rin ng mga checkpoints at ibang mobile unit sa iba pang lugar na may pagtitipon o protesta sa Araw ng Paggawa.

Nakipag-ugnayan na rin ang MPD sa lokal na pamahalaan ng Maynila, iba pang government agencies at private sectors para magsagawa ng area security check, crowd control, civil disturbance management, traffic direction and control, at emergency preparedness and response kung kinakailangan.

Ito ay para matiyak ang seguridad at peace and order sa lahat ng lugar na pagdarausan ng mga protesta.

Facebook Comments