MPD, inaksyunan na ang reklamo ng pangongotong laban sa isang pulis ng Maynila

Manila, Philippines – Hindi kukunsintihin ng Manila police District ang matiwaling gawain ng ilan sa kanilang mga pulis.

Naauna rito, nagreklamo sa MPD General Assignment Section ang biktimang si Joseph Hernandez, 23, na nakatira sa R. Papa. Tondo, Manila at nagtratrabaho sa Bureau of Customs.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Hernandez na alas-11:00 ng gabi noong Sabado, July 8, sa kanto ng Zamora at Quirino Avenue sa Pandacan, Maynila binangga siya ng motorsiklo na minamaneho ni PO2 Arvin Lucky Elma Salvacion ng MPD Station 9.


Papunta umano siya at ang kaibigan sa naturang lugar upang ihatid ang girlfriend ng kanyang kaibigan nang mula sa kanyang likuran ay banggain siya ng motorsiklo ng pulis.

Dahil dito, kinausap siya ni PO2 Salvacion saka dinala sa MPD Station 10 kung saan ay hiningan siya ng P19,000 ng nasabing pulis.

Habang nasa loob ay tinakot pa umano siya ng pulis na babarilin na lamang kung gusto ni Hernandez .

Dahil sa takot ay ibinigay na lamang ni Hernandez ang salaping hinihingi ni PO2 Salvacion.

Sinabi ni MPD spokesman Erwin Margarejo na inatasan na nila ang General Assignment Section na imbestigahan ang pagkakasangkot na naman ng isang pulis ng Maynila sa kaso ng pangongotong.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments