Manila, Philippines – Pinabulaan ni Manila Police District Spokesman Superintendent Erwin Margarejo ang report na lumabas kaninang madaling araw na sumuko na umano ang Uber driver na naghatid ng gamit ng hazing victim na si Horacio “Atio”Castillo III sa bahay nila sa San Lorenzo Village, Makati City.
Sinasabi kasing lumutang ang ‘di pinangalanang driver para linisin ang kanyang pangalan.
Pero paglilinaw ni Margarejo, walang ganitong balita dahil patuloy pa rin ang pagkalap nila ng mga impormasyon na makakatulong sa kaso ni Atio kung saan nagrequest sila dokomento sa uber na makukuha sa database nito.
Anya, mamayang alas-nuebe ng umaga magkakaroon sila ng case conference para pagsama-samahin ang mga nakuhang nilang report sa nakalipas na 24-oras.
Humingi na rin ang mpd ng listahan ng mga member ng Aegis Juris Fraternity sa University of Santo Tomas.
Nagpahayag din anya ang UST na handa itong makipagtulungan sa kaso ni Atio.