MPD, maagang magde-deploy ng mga tauhan sa mga sementeryo

Inihayag ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na maaga sila magpapakalat ng mga tauhan sa mga semeteryo na sakop ng lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Chief Police Col. Thomas Ibay, nasa 450 ang kaniyang ide-deploy sa loob at labas ng Manila North Cemetery.

Aabot naman sa 350 pulis ang ipapakalat sa Manila South Cemetery kung saan pupwesto na sila sa darating na Sabado.


Dagdag pa ni Ibay, matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), mas maraming pang pulis ang ide-deploy sa mga semeteryo katuwang ang force multipliers.

Bukod dito, may mga pulis rin ang iikot sa kada barangay sa Maynila para magbantay sa mga komunidad lalo na’t ang iba ay uuwi ng probinsiya sa panahon ng halalan at Undas habang nakatutok rin sila sa mga pasyalan.

Facebook Comments