Handa na ang Manila Police District (MPD) sa mga inilatag na seguridad sa nalalapit na paggunita ng Undas 2024.
Ayon kay MPD Dir. Arnold Thomas Ibay, nasa higit 1,000 pulis ang kanilang ide-deploy upang masiguro na walang magiging problema sa buong lungsod lalo na ang mga magtutungo sa sementeryo.
Ang mga nasabing pulis ay hindi lamang tututok sa mga pampubliko at pribadong sementeryo kundi pati na rin sa mga checkpoint.
Ipakakalat din sila sa mga istasyon ng pampublikong transportasyon, mga pasyalan, malls at iba pang matataong lugar.
Sinabi pa ni Ibay, mula sa araw ng paglilinis hanggang sa pagtatapos ng Undas ay nakabantay ang mga personnel ng MPD lalo na sa Manila North at South Cemetery.
Inaasahan kasi ng opsiyal na milyon-milyong indibidwal ang magtutungo sa mga sementeryo sa Maynila na ang iba ay mula pa sa kalapit na lungsod at probinsya.