MPD, magpapatupad ng checkpoints para sa Traslacion

Manila, Philippines – Magkakasa ng mga checkpoint ang Manila Police District o MPD para sa Traslacion ngayong taon.

Ayon kay MPD Director Senior Superintendent Vicente Danao, ilalatag ang mga checkpoint sa mga boundery ng Makati, Mandaluyong, San Juan, Natovas at Quezon City.

Aniya, mag-iikot rin sila sa Quirino Grandstand at sa mga ruta ng Traslacion.


Pinapayuhan naman ni Danao ang mga deboto na huwag ng magbitbit ng mga backpack at mga lalagyan ng tubig na may kulay para hindi sila masita.

Facebook Comments