MPD, mahigpit ang gagawing seguridad sa Manila North Cemetery

Manila, Philippines – Ikinasa na ng Manila Police District ang kanilang mahigpit na paghahanda sa inaasahang mahigit dalawang milyong katao na dadagsa sa darating na Undas sa Manila North Cemetery.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo hindi biro ang kanilang gagawing paglalatag ng seguridad sa 54 na hektaryang lawak ng North Cemetery na pinakamalaking sementeryo sa Pilipinas na inaasahang bulto bultong katao ang dadagsa sa linggo at Undas para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Una nang naglatag ng mga harang ang pamunuan ng Manila North Cemetery para daanan ng mga kababaihan, kalalakihan, Senior Citizen at Person With Disabilities upang hindi magkaka stampede ang mga dadagsa sa sementeryo.


Muling pinaalalahanan ng MNC ang publiko na simula sa darating na linggo Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 sabado ay pinagbabawalan na ang paglilibing sa loob ng naturang sementeryo at sa Oktubre 30 hanggang hating gabi ng Nobyembre 2 ay hindi na maaaring pumasok sa loob ng sementeryo ang lahat ng uri ng sasakyan.

Facebook Comments