Manila, Philippines – Ipinatutupad na ng Manila Police District (MPD) ang paglalatag ng MPD – COMELEC Checkpoint sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Maynila bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
Ayon kay MPD District Director Senior Superintendent Vicente Danao Jr., nais nilang matiyak na walang makalulusot na mga masasamang elemento na makapapasok sa Maynila kaya at mas pinaigting pa nila ang pagsasagawa ng checkpoint.
Paliwanag ni Danao lahat ng mga nagsasagawa ng checkpoint ay naka uniporme at mayroon silang kasamang mga Comelec officer para patunayan sa publiko na lehitimo ang kanilang isinasagawang pagbabantay.
Dagdag pa ng opisyal maaaring magreklamo ang mga motorista kung mayroong pang-aaboso ginagawa ang mga pulis na nagsasagawa ng pag-checkpoint sa lungsod dahil agad niya itong aaksyunan at paiimbestigahan upang masibak sa tungkulin at makasuhan kung ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pang aaboso sa mga motorista.