Mahigpit na nakabantay at nakamonitor ang Manila Police District (MPD) sa pagdiriwang ng Eid al-Adha sa lungsod.
Ito’y upang masiguro na walang mangyayaring anumang kaguluhan at maging maayos ang naturang pagdiriwang.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Brig. Gen. Thomas Ibay, sapat na bilang ng mga tauhan ang kanilang ipinapakalat sa mga Muslim Community at mga lugar na pagdarasalan maging sa mga pasyalan.
Kabilang na rito ang Quirino Grandstand at Golden Mosque sa Quiapo.
Naglatag din sila ng mga checkpoints upang masiguro na walang anumang indibidwal o grupo ang magsisimula ng hindi inaasajang insidente.
Sa kasalukuyan, wala pa naman natatanggap na ulat na banta sa seguridad ang MPD kung saan mananatili silang nakabantay at alerto hanggang bukas.