Naglabas ng ilang mga paalala ang Manila Police District (MPD) sa mga deboto ng Poong Jesus Nazareno.
Partikular ang mga sasama sa Traslacion kung saan sinabi ng MPD na kung maaari ay iwasang magsuot ng mga alahas at wag magdala ng mamahaling gadgets.
Huwag na rin sanang sumama kung buntis, may edad, o may iniindang sakit at huwag nang magsama ng mga sanggol o bata.
Mahigpit namang pinagbabawal ang pagdala ng mga bagay na nakakasakit at magdudulot ng pinsala sa bawat isa.
Mahigpit ding pinagbabawal ang pagdala ng mga nakalalasing na inumin kung saan posibleng maharap sa kaso ang mahuhuli.
Sa huli, maiging alamin ang pinakamalapit na Emergency Assistance Booths sakaling kailanganin ng agarang tulong.
Maaari rin lumapit sa mga nakadestinong pulis ng MPD sakling may mga katanungan o iba pang tulong na kailangan.