
Muling nagpapaalala ang Manila Police District (MPD) sa publiko na huwag maging kampante at mag-doble ingat ngayong paggunita ng Undas.
Sa abiso ng MPD, pinapayuhan nila ang mga aalis ng bahay, magbabakasyon, o pupunta sa sementeryo na tiyakin na nakakandadong maigi ang bahay.
Maigi rin na masiguro na nakatanggal sa pagkakasaksak ang mga appliances upang maiwasan ang insidente ng sunog at ibilin din sa mga kaanak o kapitbahay ang tahanan.
Iwasan din ang pagbabahagi sa social media na nagsasabing walang tao sa kanilang mga bahay..
Sa pagtungo sa mga sementeryo, kung maaari ay iwasan isama ang mga bata o senior citizens upang kapwa hindi mahirapan.
Kung hindi maiiwasan, maiging nakasuot ng ID ang bata at siguraduhing ang kalusugan ng mga lolo’t lola.
Habang nasa sementeryo, maiging alamin ang lugar ng first aid station at PNP Assistance Hub sakaling may mga hindi inaasahang insidente o mangailangan ng tulong.









