MPD, may mga person of interest na sa insidente ng paghahagis at natagpuang mga granada sa Maynila;

Hindi pa rin itinitigil ng Manila Police District (MPD) ang imbestigasyon nito sa insidente ng paghahagis at natagpuang mga granada sa Maynila noong buwan ng Enero.

Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco, may mga person of interest silang tinitingnan sa mga nangyaring insidente.

Aniya, hindi naman iniaalis ang posibilidad na magkahiwalay ang panghahagis at nakitang granada sa Manila Arena Cockpit sa Sta. Ana at natagpuang granada sa Port Area.


Lahat ng ito ay malalaman sa patuloy na ginagawang imbestigasyon ng MPD.

Pero tumanggi naman si Gen. Francisco na ikonekta ang insidente sa mga nawawalang mga sabungero lalo na’t patuloy pa ang pagsisiyasat nila.

Tiniyak lamang ng opisyal ng MPD ang kahandaan nilang makipagtulungan sa iba pang unit o ahensiya na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga insidenteng may kinalaman sa sabungan.

Facebook Comments