MPD, may panawagan sa mga magulang ngayong simula na ang pasukan sa mga paaralan

Nananawagan ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga magulang na bantayan o siguraduhin ang kaligtasan ng kani-kanilang mga anak ngayong simula na ang pasukan sa mga paaralan.

Sa abiso ng MPD sa pamumuno ni BGen. Andre Perez Dizon, maiging alamin ang mga contact number na dapat tawagan sakaling mayroong emergency.

Kaugnay niyan, nagkabit ng mga tarpaulin ang pamunuan ng MPD kung saan nakalagay rito ang lahat ng contact numbers ng lahat ng presinto gayundin ang official social media pages.


Paraan ito para mas mabilis ang pakikipag-ugnayan ng publiko sa mga awtoridad para sa ligtas na pagbabalik paaralan ng mga estudyante.

Ilan sa mga paaralan na kinabitan ng mga tarpaulins ay ang Manuel L. Quezon Senior HS, Mariano Ponce Elementary School, Gregorio Perfecto HS, Jose Corazon Elementary School, Jose Rizal Elementary School and Calderon Integrated High School.

Ito’y sa pangunguan ni Police Lt. Col. Robert Domingo ng MPD Station-7.

Facebook Comments