MPD, may panawagan sa mga vendors sa simbahan ng Quiapo para sa nalalapit na Traslacion 2024

 

Umaapela ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga vendors sa paligid ng simbahan ng Quiapo na makiisa at huwag ng maging pasaway.

Ito’y kaugnay sa ginagawang paghahanda para sa nalalapit na Traslacion 2024.

Nabatid na ang iba sa mga vendors ay bumabalik sa pwesto kahit pa una ng nagkasa ng clearing operation ang lokal na pamahalaan ng Maynila katuwang ang MPD.


Bukod dito, nanawagan rin sila sa iba pang nagtitinda na huwag sanang salubungin ang mga deboto sa pagpasok at paglabas ng simbahan upang hindi makaabala.

Pinagbibigyan naman ng MPD ang mga motorcycle riders at mga nakabisikleta kung nais nilang huminto at manalangin ng saglit sa kahabaan ng Quezon Blvd. kung saan wala naman nagiging problema sa daloy ng trapiko.

Sa kabila nito, pinag-iingat ng MPD ang mga deboto upang huwag maging biktima ng anumang uri ng krimen saka hinihikayat na lumapit sa Police Assistance Desk (PADs) kung may problema.

Facebook Comments