Manila, Philippines – Dismayado ang Manila Police District (MPD) sa pagsuspinde ng pamunuan ng University of Santo Thomas sa Aegis Juris Fraternity.
Ayon kay MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo, mas mahihirapan kasi ang mga otoridad na magsagawa ng imbestigasyon kung hindi papapasukin sa campus ng unibersidad ang mga miyembro ng nabanggit na kapatiran.
Paliwanag ni Margarejo na hindi makatutulong sa pagsisiyasat ang pasya na masuspinde ang pagpasok ng mga miyembro ng fraternity sa school campus.
Giit ng opisyal hindi umano nila kasi malalaman kung sinu-sino ang dapat kausapin sa eskwelahan kung hindi naman papàsukin ang mga ito.
Facebook Comments