MPD, nagbabala sa paggamit ng mga gun replica ngayong panahon ng halalan

Nagbabala ang Manila Police District (MPD) sa publiko laban sa paggamit ng mga gun replica sa gitna ng umiiral na gun ban para sa Barangay at Sanggguniang Kabataan elections (BSKE).

Ayon sa MPD, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala o pagbiyahe ng mga imitation na mga baril at kaparehong armas sa pampubliko man o pribadong lugar.

Kabilang na rito ang mga airsoft gun o air gun, maliban na lamang kung ito’y awtorisado ng Commission on Elections (COMELEC).


Babala pa ng MPD, ang anumang paglabag sa gun ban ay may kaukulang parusa sa ilalim ng batas.

Samantala, ang pagbibigay ng permiso para makapag-operate ang mga shooting range na accredited ng PNP ay nasa limited capacity lamang ngayong panahon ng halalan.

Facebook Comments