MPD, nagbabala sa posibleng pagkalat ng mga pekeng pera ngayong holiday season at sa panahon ng halalan

Nagbabala ang Manila Police District (MPD) sa publiko sa posibleng pagkalat ng ng mga pekeng pera.

Ayon kay MPD PIO Chief Police Captain Philipp Ines, sinasamantala ng mga masasamang loob ang pagdami ng transaksyon tuwing holiday season.

Maging ang panahon ng eleksyon ay maaari rin samantalahin ng ilang sindikato sa pagpapakalat ng pekeng pera.


Ayon kay Capt. Ines, pag-aralan o alamin dapat ang security features ng mga pera na itinuturo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito’y para magkaroon ng kaalaman ang publiko para makaiwas sa mga pekeng pera at kung sakaling makatanggap, agad itong ipabatid sa kinauukulan.

Nilinaw naman ni Ines na bagama’t may mga naglalabas ng hinaing sa social media hinggil sa natanggap na pera, wala pa silang natatanggap na mga reklamo hinggil dito kaya’t maaga pa lamang ay nagpapaalala na sila sa publiko.

Facebook Comments