MPD, nagdagdag ng tauhan sa paligid ng Dangwa Market

Nagdagdag ng pwersa ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng Dangwa market ngayong Valentine’s Day.

Ito’y para masiguro ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga magtutungo rito.

Ayon kay MPD District Director Andre Dizon, partikular na tinutukan ng kanyang mga tauhan ang paligid ng Dangwa Flower Market na siyang dinadagsa tuwing Valentine’s Day.


Dahil dito ay nag-deploy ang MPD ng karagdagang traffic enforcers sa lugar na kadalasang nagiging masikip ang trapiko dahil na rin sa dami ng mga mamimili, liban pa sa mga sasakyang nakabalagbag sa mga kalsada.

Katuwang rin ng MPD sa pagmamando ng trapiko ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Naglagay rin ng police assistant desk sa nasabing lugar para agad makatulong sa publiko at makaresponde sa pangagailangan sa oras na may anumang insidente.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng MPD ang mga mamimili na mag-doble ingat sa pagpunta sa Dangwa Market kung saan paalala nila na sunod din sa ilan patakaran kontra COVID-19 kahit pa open area upang maiwasan ang hawaan.

Facebook Comments