MPD, naghahanda na para sa darating na SONA ni PBBM

Photo: Radyoman Emman Mortega

Nagsasagawa ng showdown inspection ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) ngayong araw.

Ito ay bilang paghahanda sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangunahan ni MPD Director BGen. Arnold Thomas Ibay ang inspeksyon ng halos 900 na personnel mula sa iba’t ibang unit at distrito.


Aniya, paraan ito upang masiguro na handa ang buong pwersa ng MPD para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa Maynila lalo na sa mga magsasagawa ng kilos-protesta.

Paliwang pa ni Ibay, handa nilang i-deploy ang nasa 400 hanggang 500 tauhan ng MPD sa Quezon City kung saan gaganapin ang SONA ni Pangulong Marcos kung kakailanganin ito.

Bukod sa mga personnel ng MPD, makakatuwang nila ang ibang force multipliers tulad ng tauhan ng barangay para magbantay sa mismong araw ng SONA ng pangulo.

Facebook Comments