All set na ang ginagawang paghahanda ng Manila Police District (MPD) sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, nasa 20 drones at iba pang asset ang kanilang ipapakalat sa Maynila para mag-monitor sakaling magsagawa ng kaliwa’t kanang protesta.
Magsisilbing monitoring ng MPD ang mga drone na ipapakalat sa mga freedom park at iba pang matataong lugar para masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa Maynila sa araw ng SONA.
Nasa 500 MPD personnel din ang kaniyang ide-deploy at ang iba sa mga ito ay ipapadala sa lungsod ng Quezon bilang augmentation force sa pagbabantay sa SONA ni Pangulong Marcos.
Maging ang bawat boundary sa lungsod ng Maynila ay mahigpit na babantayan ng mga pulis upang mapigilan ang ilang indibidwal o grupo na nais gumawa ng kaguluhan.