MPD, naghigpit sa pagpa-patrolya sa mga paaralan

Mas lalo pang naghigpit sa pagpa-patrolya ang buong puwersa ng Manila Police District (MPD) sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila.

Ito’y sa pagsisimula ng mga aktibidad para sa nalalapit na pasukan sa huling linggo ng Agosto.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon sa kaniyang mga tauhan partikular sa Bike Patrol na palagiang umikot sa iba’t ibang mga paaralan para masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga guro, mag-aaral at magulang.


Ang kada istasyon naman ng MPD ay inatasan na i-monitor ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan at palaging bukas ang kanilang komunikasyon sakaling may hindi inaasahang insidente.

Nais rin ng MPD chief na palaging may mga naka-puwestong mga tauhan sa Police Assistance Desks upang agad na makakaresponde sa mga hihingi ng tulong.

Paiigtingin rin ng MPD ang police visibility at seguridad sa mga unibersidad lalo na sa mga estudyante na pumapasok tuwing gabi.

Facebook Comments