MPD, nagkasa ng surprise drug test sa isa nilang istasyon

Nagkasa ng sorpresang drug test ang Manila Police District (MPD) sa Police Station 14 o Barbosa Police Station.

Aabot sa 150 na pulis sa Station 14 ang sumalang sa nasabing suprise drug test.

Ayon kay MPD Director Brigadier General Leo Francisco, bahagi ito ng cleansing process sa hanay ng mga pulis.


Aniya, kinakailangang masiguro na walang gumagamit ng iligal na droga sa hanay ng MPD.

Sa pahayag ni Gen. Francisco simula nang maupo siya sa pwesto sa MPD noong December 2020, isang pulis na ang na-dismiss sa serbisyo dahil nagpositibo ito sa iligal na droga.

Sa ngayon, kapag nagpositibo naman ang isang pulis, agad itong didisarmahan, iimbestigahan at kakasuhan kung saan ito maaaring masibak sa serbisyo.

Facebook Comments