MPD, nagpa-alala sa mga tauhan nito hinggil sa tamang proseso ng Oplan Sita

Nagpa-alala ngayon si Manila Police District (MPD) District Director PBGen. Andre Dizon sa mga tauhan nito na ugaliin ang tamang proseso ng pagsasagawa ng Oplan Sita.

Kasunod na rin ito ng nangyaring engkwentro ng mga tauhan ng MPD sa sinasabing riding-in-tandem sa Sta. Cruz Maynila.

Ayon kay Dizon, nakarating sa kanyang kaalaman na may mga operatiba silang nagsasagawa ng Oplan Sita subalit walang mga signages.


Dahil dito, sinabihan niya ang kanyang mga tauhan na huwag na itong mauulit dahil isa ito sa mga pinaka basic requirement ng Oplan Sita.

Ito rin aniya ang paraan para malaman ng publiko na lehitimo ang kanilang operasyon.

Maliban sa signages, dapat ding nasa maliwanag na lugar ang mga ito at pinangungunahan ng isang opisyal.

Facebook Comments