MPD, nagpaliwanag kung bakit binaril ang hostage taker sa Pandacan, Manila

48

Manila, Philippines – Nilinaw ni Beata PCP P/Inspector Francis Guevarra kung bakit niya binaril si Ranil Christian Baje, 26 anyos residente ng 2408 Floresca Street Pandacan, Manila matapos na mang-hostage sa loob ng naturang compound.

Ayon kay Brgy. Chairman Rene Janda ng Brgy. 860 zone 94 Pandacan Manila, nakatanggap siya ng tawag kahapon ng ganap na alas-10 ng umaga na ang suspek ay lumikha ng sunog at nagtangkang manghostage sa loob ng no. 2408 Floresca Street Pandacan, Manila kung saan agad na nagresponde ang mga elemento ng Beata PCP sa lugar ng insidente kung saan hawak hawak pa ng suspek ang patalim na lumikha ng alarma.

Subalit pilit na nakipag negosasyon si P/Inspector Aliling na sumuko na pero sa halip na sumuko sinugod ng suspek ang police official at pinagsasaksak sa ibat ibang bahagi ng katawan na naging dahilan kung bakit napilitang barilin ang suspek na agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan pero binawian din ng buhay.

Habang sina P/Inspector Francis Guevarra at P/Inspector Genesis Alliling ay nasa stable condition na.at naklabas na rin sa pagamutan sanhi ng tinamong saksak sa katawan.

Facebook Comments