Nagsagawa ng simulation exercise (SIMEX) ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa National Museum bilang paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa Hunyo 30.
Sa simulation exercise ay ipinakita ng mga kapulisan ang posibleng maging senaryo sa naturang event at kung paano ito tutugunan ng mga kapulisan.
Partikular dito ang senaryo ng ‘bombing’ kung saan may naiwang isang paper bag sa harapan ng museum at ang senaryo ng iba’t ibang rally na inaasahan nang sasabay rin sa mismong araw ng inagurasyon.
Kasama ring sinanay ang mga sniffing dogs at nagsuot din ng full battle gear ang mga pulis upang ipakita ng mga ang kanilang pagtugon laban sa mga nais magsagawa ng protesta malapit sa National Museum.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na libo-libong kapulisan at sundalo ang itatalaga sa mismong araw ng inagurasyon.