MPD, naka-alerto na sa pag-alala ng deklarasyon ng Martial Law

Nananatiling naka-alerto at nakabantay ang ilang tauhan ng Manila Police District (MPD) para sa inaasahang kilos protesta kasabay ng paggunita ng ika-51 deklarasyon ng Martial Law.

Ilan sa mga lugar sa Maynila na binabantayan at mino-monitor ng MPD ay ang US Embassy, Mendiola, Supreme Court, España, Intramuros at Plaza Miranda sa Quiapo.

Bukod sa mga tauhan ng MPD, naka-deploy na rin ang mga personnel ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para magbigay tulong sakaling kailanganin ng mga magpo-protesta.


Inihayag ni MPD Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon na ipapatipad ang maximum tolerance sa mga magaganap na kilos protesta.

Nakikiusap rin si Dizon sa mga magkikilos-protesta na huwag sanang maging marahas at gumawa ng iligal na aktibidad sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin.

Facebook Comments