MPD, nakahanda na sa thanks giving procession ng poong itim na Nazareno

Nakahanda na ang Manila Police District (MPD) sa gagawing thanks giving procession ng Black Nazarene.

Nasa 7, 000 personnel ang idineploy kung saan kabilang dito ang ilang tauhan ng lokal na pamahalaan, MPD at National Capital Police Region Policeoffice (NCRPO).

Ipinag-utos ni MPD Chief Police Brig. Gen. Bernabe balba sa kaniyang mga tauhan na paigtingin ang seguridad sa Quiapo church hanggang sa daraanan ng prosisyon na magsisimula mamayang, alas-onse ng gabi.


Panawagan naman ni balba sa mga sasama sa prosisyon na sumunod sa daloy ng prusisyon maging sa pakiusap ng mga awtoridad.

Ipinagbabawal naman sa daraanan ng prusisyon ang inuman at mga vendor kung saan partikular na dadaan ang itim na Nazareno na magsisimula sa Plaza Miranda patungong Quezon Blvd., kakanan ng C.M. Recto, kakanan din ng Loyola Street at kanan din ng bilibid Viejo Street.

Matapos nito ay kakaliwa ng Gil Puyat Street, kaliwa ng Mendoza Street, kakanan ng Hildago Street, kaliwa ng Quezon Blvd., at kakanan ng Villalobos Street hanngang makabalik ng Plaza Miranda.

Posible naman mabago ang ruta ng poong itim na Nazareno sa mismong araw ng fiesta nito sa January 9, 2020.

Facebook Comments