Nasa limang indibidwal na ang nahuli ng Manila Police District (MPD) na lumabag sa ipinapatupad na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa datos ng MPD, tatlong motorista ang nahulihan ng patalim habang dalawa nag nahulihan ng baril.
Ayon kay MPD Dir. Brig. Gen. Andre Dizon, kasaluluyan ng pino-proseso ang kaukulang kaso laba sa lima.
Kaugnay nito, mas lalo pang hihigpitan ng MPD ang mahigpit na pagbabantay lalo na sa mga itinalagang checkpoint upang masigiro na magiging payapa ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Binalaan din ni Dizon ang mga may-ari ng baril na walang pahintulot o exemptibos sa COMELEC na huwag ng bitbitin ang mga ito dahil siguradong madadakip sila ng mga pulis.
Aniya, maiging itago na lamang muna ito hanggang sa matapos ang election period.
Nilinaw naman ni Dizon na hindi nila pinagbabawalan ang ilang media personnel na sumama sa checkpoint dahil ito ay ginagawa sa pampublikong lugar at bahagi rin ito ng tinatawag nilang transparency sa trabaho.