Manila, Philippines – Patuloy na nananawagan ang Manila Police District o MPD sa persons deprived of liberty o PDLs na maagang nakalaya dahil Good Conduct Time Allowance (GCTA) na sumuko na.
Ito ay sa harap na rin ng nalalapit na pagtatapos na 15-day deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Police Major Carlo Manuel, ang tagapagsalita ng MPD, aabot na sa apat ang sumukong PDL sa mga pulis-Maynila kung saan ang mga ito ay nai-turn over na sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sinabi pa ni Manuel na kung ang presong nakalaya dahil sa GCTA ay naririto lamang sa Maynila, makipag-ugnayan lamang sa anumang MPD station at maayos silang itu-turn over sa BuCor o sa Philipine National Police (PNP).
Sa pinakahuling bilang ng PNP, higit sa 280 PDLs na ang sumuko pero malayo pa ito sa 1,914 na sinasabing bilang ng mga heinous crimes convicts na napalaya dahil sa GCTA.