MPD, nanindigan na hindi marahas ang ginawang hakbang sa kilos-protesta ng ilang grupo nitong Labor Day

 

Nanindigan ang Manila Police District (MPD) na hindi naging marahas ang mga pulis sa nangyaring gulo sa ikinasang kilos protesta ng ilang grupo kasabay ng Araw ng Paggagawa.

Ayon kay MPD Chief PBGen. Arnold Thomas Ibay, naging mahinahon pa rin ang mga pulis sa kabila ng tulakan kung saan ginawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Sinabi pa ni Gen. Ibay na kahit ipinatupad ang maximum tolerance sa mga nagkilos-protesta, walang ginawang mali ang mga pulis at nasunod pa rin ang pagpapairal ng batas.


Aniya, tatlo sa mga pulis ang nasugatan dahil sa nangyaring tulakan na nasa maayos na ang kalagayan.

Ngayong umaga rin ay nakatakdang i-inquest ang anim na indibdwal na inaresto matapos magpumilit na makalapit sa US Embassy para kondenahin ang pakikialam ng Amerika sa gobyerno ng Pilipinas.

Facebook Comments