MPD, nanindigan na legal ang isinagawang search warrant sa Aegis Juris Fraternity Library

Manila, Philippines – Nanindigan ang Manila Police District na legal ang kanilang isinagawang search warrant sa Aegis Juris Fraternity Library sa Sampalok Manila.

Naghain kasi ng Motion to Quash ang kampo ni John Paul Solano sa Department of Justice na may mga iregularidad umano ang isinasagawang search warrant ng Manila Police District sa Aegis Juris Fraternity Library noong September 28.

Isinasaad sa motion sa kampo ni Solano sa nagpapatuloy ng Preliminary Investigation sa pagkamatay ni Horacio Castiloo III sa DOJ isinaad na iba ang address na ginawaran ng search warrant ng MPD sa Frat Library kung saan lumalabas sa search warrant na 1247 Laon Laan Streer kanto ng Navarra Streer Sampaloc Manila ang dapat nilang galugarin.


Ngunit ang pinasok ng mga pulis ay 1458 Laon Laan Streer kanto ng Navarra Streer Sampaloc Manila kung saan naka-locate Aegis Juris Law Resources Center at kumuha pa ito ng mga pag-aari na hindi nakasaad sa search warrant.

Isinasaad din nila na hindi basehan ang mga alegasyon ng testigo at pulis para magpalabas ng search warrant dahil wala naman silang alam sa isinasagawang initiation rites ng Aegis Juris Fraternity.

Inaantay nalamang ng MPD ang resulta ng forensic examination na nakuha sa Frat Library.

Facebook Comments