MPD, patuloy na nagbabantay sa unang araw ng Simbang Gabi sa lungsod ng Maynila

Patuloy na nagbabantay ang Manila Police District (MPD) sa lahat ng simbahan sa lungsod ng Maynila sa pagsisimula ng Simbang Gabi.

Nais ng pamunuan ng MPD at ng lokal na pamahalaan ng Maynila na walang anumang mangyaring hindi kaaya-ayang insidente tulad ng pandurukot, basag-kotse at iba pa.

Bukod dito, sinisiguro nilang naipapatupad ang ilang patakaran sa minimum health protocols lalo na ang physical distancing sa labas ng simbahan.


Katuwang ng MPD ang ilang tauhan ng Manila and Traffic Bureau (MTPB) para masigurong hindi magkakaroon ng pagsikip ng daloy ng trapiko.

Kasama rin nagbabantay ng MPD ang mga barangay tanod at barangay officials na nag-iikot para masiguro ang kapayapaan at kaayusan ngayong Simbang Gabi.

Facebook Comments