Manila, Philippines – Target ng Manila Police District na makapagdeklara ng 60 pang barangay bilang drug free sa susunod na 2-3 buwan o 100 pa bago mag-Pasko.
Ayon kay MPD Dir. PS. Supt Joel Coronel, sa kasalukuyan kasi sa 896 na barangay ay nasa 24 pa lamang ang naidedeklara nilang drug free.
Sa kabila aniya ng sunod-sunod na Anti-Illegal Drugs Operation, aminado ang pamunuan ng Manila Police District na higit 800 barangay pa sa Maynila ang talamak sa iligal na droga.
Kaya naman pinaigting pa nila ang mga gagawing barangay drug clearing operations.
Una na ring sinabi ni Coronel, na pag-iigtingin na rin nila ang kanilang Anti-Criminality Campaign at mga ipinatutupad ng City Ordinance, para sa ikaaayos ng Maynila.
Facebook Comments