MPD, tiniyak na ligtas sa banta ng terorismo ang lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Nanindigan ang pamunuan ng Manila Police District na ligtas ang lungsod ng Maynila sa anumang banta ng terorismo.

Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel wala pa namataan ng kanilang Intel ang anumang banta ng terorimo sa lungsod.

Paliwanag ni Coronel patuloy silang nakilipag-ugnayan sa National Intelligence Coordinating Council o NICA, Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines o ISAFP, at Philippine National Police Intelligence Group o PNP-IG hinggil sa presensya ng mga teroristamg grupo sa lungsod.


Giit ng heneral walang dapat ipangamba ang mga residente ng Manila dahil patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Muslim Communities sa Quiapo, Sta. Mesa at Baseco Compound Tondo Manila.

Matatandaan na napabalita na may 100 Foreign Jihadist ang nakapasok sa bansa habang kasagsagan ang digmaan sa Marawi City upang tulungan ang kanilang kasamahan matapos ang pagsasanay nila sa Indonesia.

Itinanggi naman ng AFP Spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla kung saan nilinaw nito na walo lang at hindi 100 terorista ang kanilanhg minamatyagan matapos makalusot sa Mindanao at ngayoy sumapi na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Facebook Comments