MPD, tiniyak na walang banta sa seguridad sa Pista ng Itim na Nazareno

Walang banta sa seguridad sa Pista ng Nazareno sa January 9.

Ito ang pagtitiyak ni Manila Police District (MPD) Director PCol. Thomas Arnold Ibay.

Ayon kay Ibay, sa ngayon wala pa naman silang natatanggap na threat o banta sa seguridad mula sa National Intelligence Coordinating Council.


Kaugnay nito, mahigpit ding ipapatupad ang “no sail zone” sa paligid ng Quirino Grandstand habang ang “no flying zone” ay sa buong Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo.

Pinaalalahanan din ni Ibay ang mga deboto na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal dahil kukumpiskahin ito ng mga kapulisan at hindi papayagan na pumasok sa control area ang mga dala-dalang ipinagbabawal na bagay.

Samantala, magsasagawa naman ng send-off ceremony sa Quirino Grandstand bukas January 6, para sa security forces na itatalaga sa Nazareno 2024.

Facebook Comments