MPD, todo-bantay sa Mendiola para sa inaasahang kilos-protesta ngayong araw

Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ng Manila Police District (MPD) sa may bahagi ng Mendiola.

Ito’y dahil dito tutungo ang grupo ng Manibela para magkasa ng kilos-protesta bilang bahagi ng isinasagawa nilang transport strike.

Nabatid na magmumula ang grupo sa UP Diliman papunta ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) saka sila magtutungo sa Mendiola para mailapit ang kanilang hinaing sa Malacañang.


Bukod sa MPD, naka-standby rin sa Mendiola ang ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila at tanod ng barangay na nakakasakop dito.

Samantala, tuluy-tuloy naman ng biyahe ng ilang pampasaherong jeep sa lungsod ng Maynila kung saan maluwag din ang daloy ng trapiko habang wala naman naitatalang nai-stranded na pasahero.

Facebook Comments