MPD-traffic enforcer na nakasagasa sa grade 6 student sa Sta. Ana, Maynila – sumuko na

Sta. Ana, Maynila – Sumuko na sa otoridad ang motorcycle rider na nakasagasa sa grade 6 student sa Sta. Ana, Maynila kahapon.

Kinilala ang suspek na si Richard Bautista, tauhan ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit.

Depensa ni Bautista, hindi niya tinakbuhan ang bata at isinugod pa niya ito sa ospital katulong ang isang kagawad.


Kagabi pa rin daw nagbabantay sa ospital ang kanyang asawa at inaasikaso nila ang bayarin sa ospital.

Katunayan, mabuti na ang kalagayan ng 11-year old na si Justin Madarang at pwede na siyang ilabas ng ospital mamaya.

Alas tres kahapon nang hapon nang mabundol ni Baustista ang bata nang bigla itong tumawid sa kalsada.

Ini-eskortan noon ng traffic enforcer ang mga bumberong dumaan sa lugar.

Facebook Comments