MPD, tututok sa isasagawang rally sa araw ng SONA ni PBBM

All set na ang Manila Police District (MPD) sa mga aktibidad na magaganap sa July 24 o araw ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, may 400 pulis ang ipadadala sa Quezon City para tumulong sa pagbabantay sa SONA.

Aniya, magpapakalat rin sila ng mga pulis para magbantay sa mga grupong maaaring magsagawa ng lightning rally sa ilang freedom parks sa Maynila.


Sinabi ni Dizon na sa ngayon ay wala pang kumukuha ng permiso para mag-rally sa Maynila sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos.

Paalala pa ng opisyal, ipapatupad ang dalawang araw na gun ban sa Maynila kasabay ng SONA.

Bukod dito, nakahanda rin daw ang MPD sa posibleng epekto ng tigil pasada ng ilang transport group.

May mga nakahanda na silang mga sasakyan na gagamitin para sa libreng sakay kung kinakailangan.

Facebook Comments