MPD, umaasa na sa paglutang ni Ralph Trangia ay lalabas na ang buong katotohanan sa pagkamatay ni Atio

Manila, Philippines – Malaki ang pag-asa ng pamunuan ng Manila Police District na lalabas din ang buong katutuhanan sa pagdating ni Ralph Trangia upang linawin ang kanyang partisipasyon sa pagpatay kay Horacio Castillo III.

Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo tiwala siyang ihahayag ni Trangia ang kanyang nalalaman sa pagkamatay ni Atio para matuldukan na ang naturang kontrobersiya

Paliwanag ni Margarejo wala pang naipalabas na warrant of arrest laban sa kanya at naisampa na ang kaso ni Trangia sa Korte kaya posible idederetso ito sa DOJ depende sa magiging plano ng kanyang abogado kung sasagutin nito ang akusasyon sa kanya.


Umaasa ang MPD na makikipagtulungan si Trangia sa ikalulutas ng naturang kaso.

Facebook Comments