MPD, walang ibinigay na time frame kung kailan matatapos ang pagkalap ng mga ebidensiya sa library ng Aegis Juris Fraternity

Manila, Philippines – Nagpapatuloy pa rin ang paghalughog ng mga operatiba ng MPD dito sa Library ng Aegis Juris fraternity sa Navarra Strret kanto ng Laong laan Sampalok Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo wala silang binibigay na time frame kung anong oras matatapos ng mga imbestigador ang kanilang mga pagkalap ng mga ebidensiya upang tuluyan nang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Horacio Castillo III.

Paliwanag ni Margarejo mahalaga ang kanilang ginagawa pagsaliksik at pagkalap ng mga ebidensiya gaya ng mga bakas ng dugo, buhok at iba pang mga gamit ni Castillo na maaaring makapagpatibay para sampahan ng kaso ang mga sangkot sa pagkamatay kay Atio.


Giit ni Margarejo sinama nila ang Media sa ginagawa nilang paghahanap ng mga ebidensiya upang hindi mapulaan ng publiko na baka sila ay magtatanim ng ebidensiya sa lugar.

Facebook Comments