MPD, walang magagawa kung ipag-utos ng DOJ na pakawalan si John Paul Solano

Manila, Philippines – Tatalima ang pamunuan ng Manila Police District kung ipag-uutos ng DOJ na pakawalan pansamantala si John Paul Solano.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo wala silang magagawa kundi tatalima sa kautusan ng korte kung ipag uutos nito na pansamantalang palayain si Solano matapos na sampahan ng patung-patong na kaso sa DOJ.

Paliwanag ni Margarejo ginawa nila ang lahat ng paraan na naaayon sa batas pero kung sakaling pakakawalan ng korte si Solano wala silang magawa kundi sundin ang naturang kautusan.


Ikinadismaya naman ng MPD ang sakaling pakakawalan ng DOJ si Solano dahil hindi sila kontento sa naturang hakbang ng korte.

Facebook Comments