MPOC, MADAC, MDRRMC ng bayan ng Ampatuan sa Maguindanao, nagpulong!

Upang makapagbigay ng updates ang bawat kasapi ng Municipal Peace and Order Council, Municipal Anti Drug and Abuse Council at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao, nagkakaroon ang mga ito ng monthly meeting.
Kamakalawa, muling nagpulong ang MPOC, MADAC at MDRRMC sa nabanggit na bayan sa pangunguna ni Mayor Rasul Sangki bilang chair.
Ayon kay Ampatuan Sec to the Mayor Aimie Sambolawan, regular ang pagpupulong upang talakayin ang peace and order situation sa mga barangay, malaman ang updates mula sa concerned agencies hinggil sa illegal drug activities at estado ng illegal drug surenderees, updates sa disaster preparedness at iba pang concerns.

Sinabi pa ni Sambolawan na epektibo ang kahalintulad na hakbang upang maging aware ang lahat ng mga lokal na ahensya sa mga pangyayari na concern sa kanila at agad na nakakagawa ng aksyon at solusyon.

Facebook Comments