Hindi mag-aatubili ang kapulisan ng Maguindanao Provincial Police Office (MPPO) na tumalima sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na arestuhin at disarmahan ang lahat ng mga barangay tanod sa na nagdadala ng mga baril.
Ayon kay MPPO Dir. Sr. Supt. Agustin Tello, umiiral ang Martial law sa Mindanao kaya bawal ang pagdadala ng baril kahit pa may hawak na permit to cARRY firearms outside residence ang gun owner.
Kaugnay nito, huhulihin ng kapulisan sa Maguindanao ang sino man na lalabag dito kahit pa barangay tanod.
Sa kabila nito, sinabi ni Sr. Supt. Tello na wala pa naman silang natatanggap na “black and white” o pormal na direktiba hinggil dito mula sa higher headqurters.
Facebook Comments