Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nanatiling nakatutok ang MMDA Metropolitan Public Safety Office (MPSO) sa pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management Units sa 17 Metro Manila local government unit (LGUs) tuwing may trahedya o kalamidad.
Ayon sa MMDA ang Metropolitan Public Safety Office (MPSO) ang nangangasiwa sa pagpapaigting ng disaster at emergency response efforts sa Metro Manila sa pakikipagtulungan sa ibang ahensya ng pamahalaan.
Kasama na rito ang mga pinagsama-samang unit sa ilalim nito, ang MPSO ang nagpapatupad ng mga programa at polisiya para sa kaligtasan ng publiko.
Paliwanag ng MMDA sa oras ng pangangailangan, sila ang agarang nade-deploy para rumesponde kung saan maaring tumawag sa hotline 136 kung nangangailangan ng agarang assistance.