Manila, Philippines – Magpatutupad na simula sa April 1 2019 ang Manila Parking and Traffic Bureau (MPTB) ng mahigpit na kautusan ng LTO Department Order 2010-32 na nagbabawal sa modified delivery vehicles na dadaan sa mga lugar sa Maynila dahil sa usapin ng kaligtasan at kalikasan.
Base kasi sa LTO Department Order 2010-32 kinakailangan lahat ng mga dumadaang trak sa Maynila ay naaayon sa kanilang standard dahil nakasalalay umano dito ang kaligtasan ng mga sumasakay at kalinisan o walang maruming usok na ibinubuga ng naturang mga trak.
Dismayado naman ang mga tauhan ng MTPB sa isang malaking kumpanya na nasa Maynila dahil sa hindi sumusunod sa naturang Department Order ng LTO at patuloy ang kanilang pamamayapag sa lugar.
Umaapela ang MTPB sa naturang kumpanya na gumawa ng paraan at ayusin kaagad habang maaaga pa ang kanilang mga trak dahil hindi sila mangingiming ipatupad ang direktiba ng LTO.
Naniniwala ang MTPB na malaking kabawasan sa matinding nararanasang trapiko sa Maynila sa oras na maipatutupad na ang pagbaban ng modified truck sa lungsod.